United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga na lilimutan sa hapon, isang ugaling muy ordinario , baga man mauban, ang laman n~g utak ay kamangman~gan, isang tawong mapag-ulol sa kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong mapagpasamba sa tanto niyang han~gal, isang tawong tumandâ sa pagkabusabos, at isang tawong....
Sayang ang punyal mo na magkakadun~gis pumatay sa isang gaya nitong ganid mabuti pa ang hayop hindi nangagahis gaya nitong tigre, hantik sa limatik. Sayang nitong aking m~ga pagtatapat n~g pakikisama sa gaya mong oslak sayang ang n~galan mong sa baya'y natanyag ang kapurihan ko'y di mo na nilin~gap.