United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan ay biglang humupa yaong catapan~gan, nang man~ga cristiano't agad tiniguilan ang marahas nila na man~ga pagpatay. Doong co natantong pauang sinun~galing ang man~ga Idolong sinasamba natin, caya mula n~gayo'y ating lilisani't Dios nang cristianong ating sasambahin.
Yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa Dios na tunay na may lic-ha nitong buong sangtinacpan. At alam n~ga niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo, ang dan~gal at yama'y cahima't gaano lilisani't pauang catulad ay asó.