United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !
At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang binantayan. At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na rin n~g ibang pulés na gumibik.
¡Ulól! ¡Ulól! ang sigaw n~g isang tinig. Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay pinagalagala ang m~ga matá niya. Isang bagay ang kanyang namalas. Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya.
Salita Ng Araw