United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git, kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik, ay maging saksi pa ang aking hinagpis . Aninong malungkot noong kahirapan ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban, ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang kaya't ulap waring dagling napaparam.

Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali n~g pagpipighati sa puso n~g binata, natapos ang kaniyang m~ga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap n~g ligaya'y pabiglang tumugon n~g: Hangang kailan, aking lan~git?

Ligaya'y asahang hindi punong bucál ang calac-ha't pilac, cung bagay han~gad man, cun di ang sintahang boo at dalisay matamis na lahat pa'i capaitan. Manood n~g sintang gaua ó hicayat n~g in~gay n~g guinto't ibang sauing han~gad, n~g hangad ang laman sa lupa'y pagpalas uala rin ang sinta't han~ging lumilipas.

Sa oras na masanghayâ nag bulaklak yaring tuâ at naparam ang dalita sa ligaya'y sumagana. Sol. at Lvo. Itong ating kaligayahan waring araw na sumilang ligaya'y ating kamtan dito sa pag-iibigan Anong sarap anong tamis, ang linamnam n~g pag-ibig di mandin maiwawan~gis sa ligaya n~g angeles Lalo na n~ga't kung kaulayaw ang sintang minamahal wari man din tinanglawan n~g m~ga bitui't buan. Vico.

Cahit di dun~gaui't ualang nasi-silip malaong lalagac doo'y nagtitiis, ualang ibang gaua cun di ang sa isip ligaya'y auitin n~g magandang nais. Sa tanáng ni-nibig ito'y caraniuan parang tan~ga't gahis, ang ano mang hadlang, harap n~g pan~ganib loob tumatapang hibang na pagsinta masunod n~ga lamang.

Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!