United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tuloy po kayo ang pagdaka ay nawika ni Leoning Bah! si mang Andoy at tuloy tinawag ni Leoning si aling Rita, na, noo'y na sa silid ng tahanan at nagaayosayos ng ilang mga damit na tahiin. Aba, si Andoy ang boong galak na nawika ni aling Rita ano kumusta ang dalawang bata na ipinadala ko sa iyo? Kumusta sila roon?

Tulad niya ay isang bulaklak na nalalanta. Wala na at waring natapos na sa kanya ang lahat at lahat. Magtiis ng hirap at magtiis ng bagabag ang kanyang naging palad. Ngayon, maminsanminsan lamang niyang bigkasin kung nagiisa ay ang ngalan ng kanyang irog na lumimot. ¡Ay! Leoning! Dahil lamang sa sumpa mong nilimot minsan man lamang malasin mo ang palad ko!

Nananariwang tulad ng sampagitang humahalimuyak ang naging malulungkutin niyang kalooban pagka't makikita niyang walang pagsala si Eduardo. Ang lahat ay wala ng pagkaurong. Ang mga daladalahan nina Leoning at aling Rita ay handa ng lahat. Ang lahat ay ayos na.

Alamin mo Leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso ... Oo, Leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi ... Oo, Leoning.

Nguni't ang gayong mga kasiyahang loob ay di niya maaaring sarilinin. Kailangan ang kanyang ibalita kay Leoning, at kung malaman ni Leoning na, kanyang kasintahan o di ito nga naman ay isa pang kagalakan din ng kanyang irog. Kaya kanyang ibabalita. Ninais niya ang magtuloy sa tahanan ni Leoning. Pamuli na namang ang kanilang mga puso ay magkakaulayaw. Mauulit na naman ang kanilang pagngingitian.

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. Siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. Oh! ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! Isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot!

Kaya't matamang pinagmasdan ni Leoning ang sakay samantalang umiibis sa sasakyan. Nguni't ang hinalang yaon ni Leoning ay nabigo. Yao'y isang lalaking matanda na: ang kapatid ng ali ni Leoning, si mang Alejandro.

Para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. Kaya sa pagpunta niyang yaon kina Leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan. Inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi.

Kaya't, palibhasa'y taglay ng kanyang kalooban ang mapayapa at ang malamig na pagmumunimuni ay hinintay na muna niyang pamuling magsalita ang kinatawan. Malaon ko na nga iyang nakilala, Bbg. Leoning ang patuloy ng kinatawan nguni't gaya ng sinabi ko na sa inyo, lamang ang pagkakilala ko diyan ay di paris ng lubos kong pagkakakilala sa ngayon na kami ay nagkamay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap