United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !


May katwiran nga naman ang isang Leoning kung sisihin ng isang Eduardo kung bakit ibinalik na lahat ang liham ng binata. Wala nga palang totoo si Leoning sa sariling bayan. Nagtataka ang isang Eduardo? Bakit ni balita ay hindi man lang ibinalita sa kanya ni Leoning? Apat na liham ang nabalik sa kanya. Napakalaking suliranin para sa kanya ang gayon! Naito pala sa Maynila si Leoning!

Bagkus lalong naaalaala niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila nakatitik ng ginto ang ngalang Leoning na hindi niya malimutlimutan. Datapwa't wala ring mangyayari, hanggang sa limutin nga lamang, ang sa wakas ay mabuting magawang paraan. Oo, limutin na lamang sapagka't hindi na niya maaaring ibigin si Leoning, dahilang ang kanyang pakikipagisang puso ay di na malalaon at isasagawa na.

Nguni't, oh palad! Naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka't buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si Eduardo. Sadyang si Leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. Minsan lamang kung sumumpa sapagka't siya ay may dangal at may puri. Ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.

Napakahirap ang magnegocio! At, upang ikaw na tuloy ang mamahala sa dalawang bata. At pasa sa Maynila ako? Di kung gayon ay ipagsasama ko na pati ang batang ito sabay turo kay Leoning pagka't wala iyang kasama rito. Mangyari pa. Nguni't anong magagawa niyan doon Alejandro, ay sa narito ang kanyang pinagkakakitaan: ang manahi at magburda ng damit. Ah, at marunong ba siya?

Leoning, balintuna ang iyong hinagap. Alalahanin mong sa kaibuturan ng puso ko ay isa kang bulaklak na pinakakaingatan at laging dinidilig ng aking pagmamahal. Eduardo, marahil ay malilimot mo rin ang lahat ng iyong mga pangungusap. Kung nasa piling mo na marahil ang magagandang bulaklak sa Maynila, na, pugad ng mga pusong uhaw sa hamog ng ligaya ay lilimutin mo na ang lahat ng ito.

Leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni Eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. Ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni Leoning.

Kaya't karamihan sa mga kaibigan ni mang Alejandro, mayaman at matataas na tao, ngayo'y nagiging mga kakilala tuloy ni Leoning: at nagiging mga kapalagayang loob pa. Natapos at natapos ang sayawan at umuwi ng sariling tahanan na ang taglay sa puso ay ang kalungkutan. Anong lugod nga naman sana kung ang sayawang yaong lipos ng aliw ay naging kasayawsayaw niya si Eduardo?

Ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon...? Sadya kayang ipinakilala ni Leoning si Daniel Perez kay Ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si Eduardo? Aywan natin. Ang pagkakataon nga naman! At ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. Datapwa't ang lahat nga para kay Eduardo ay waring nagiiba.

Kaya nagbago na ang lahat, si Eduardo ay hindi na pamuling magduduyan sa kandungan ni Leoning! Wala na, wala na at natapos na ang lahat. Natapos na ang kanilang pagtitigan na sa pagtitigang yaon ay nagkakaalaman na sila ng lihim ng puso, natapos na ang kanilang pagngingitian, na, ang pagngingitiang yaon ay nagkakaalaman sila ng lihim ng diwa. Waring hindi na nga magbabalik ang lahat.

Leoning, nagtatapat ako sa iyo, ngayon ay tapatin mo naman ako. Eduardo, tinatapat kita. Na, ano? Dito nga naman sa siudad...! na, waring di madugtungan ni Leoning ang sasabihin. Na, ano Leoning? Huwag mong pahirapan ang aking pusong matapat sa iyo. Eduardo, na di nga nagkamali ang pangarap ko noong una, ang hinagap ko sa iyo nang ako ay nasa lalawigan pa. Ipagtapat mo Leoning ang lahat ng iyon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap