United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Leoning, waring may hirap ang loob mo sa akin? Siya nga ba? Wala Eduardo ang lalo pang tila paos na tinig na sagot. Bakit? Wala. Wala raw. Wala nga Eduardo. Leoning, nalalaman mo kaya ang kalagayan ng palad ko ngayon, na, dahil sa iyong paglimot sa sumpa ay walang oras, walang mga sandaling hindi sinisiklot ng bagabag at dusa ang aking puso? Eduardo, hindi ako lumilimot. Leoning diyata?

Ang akala ni Leoning ay kung sinong kaibigan lamang iyon ni Fely Ester, kaya parang walang ano man sa kanya.

Eduardo, hindi na, ako si Leoning, hindi na, na dating malaya, hindi na, mangyayaring tawagin pang ako ay dalaga: May asawa na at na sa ibang kandungan na siya kong susundin. Kay pait ng lahat . Oo, Eduardo kay saklap ng lahat nang ito para sa akin! At, wala na nga, hindi na ako dalaga, kundi isang babaing may kabyak na ng puso at hindi na sarili . ¡Ay!

Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.

Leoning, iwan mo na ako, hala iwan mo na, tingnan mo siya, iwan mo na ako, oras nang darating ang aking manggagamot. Oo, Eduardo aalis na ako, nguni't paparito uli ako. Leoning, huwag na. Hindi Eduardo, kita mapababayaan. Kaya asahan lagi kitang dadalawin. Leoning sa ibang araw na. At, hindi na tinugon ni Leoning ang pangungusap ni Eduardo at sa labi ay inilagda ang isang halik bago pa nanaog.

At, sa mapayapang pamumuhay ni Leoning sa piling ang kanyang kabiyak na si Daniel Perez, ang magkasi'y hindi na nakarinig ng ngalang Eduardo de la Rosa. Ano kaya ngayon ang dinaranas na kabuhayan ni Eduardo? Ganyan namang mga haka ang minsan ay naaalaala ni Leonora. Nagugunita niya kahit siya ay mayroon nang kabiyak ng puso.

Hindi niya nalalaman na noon pa lamang mga panahong nakaraan ng kanilang pagsasama ay siya ay pinagsusukaban na ni Leonora. Kaawaawang Daniel Perez? Ang kanyang buong akala at pananalig ay matapat sa kanya ang kabiyak ng pusong si Leoning, datapwa't hindi niya nalalaman ay pinagtataksilan pala siya.

Kaya ngayon ay wala na, wala na, at natapos din ang maligayang pamumuhay ni Leoning. Ang may pusong sukab at walang iisang pagibig, ang walang iisang tibukin ng puso ay nagsisisi ngayon sa kanyang pagkaligaw sa matuwid na landas ng buhay. Oh! babai, huwag sana ninyong kalilimutan ang dating katutubong ugaling dakila.

Sila gining Leoning, ay maningning na pagasa ng ating lahi. Nasa kanya ang dangal at pagasa ng Inang Bayan.

Pilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay waring nakikita rin niyang lagi, sa kanyang mga balintataw ang magandang larawan ni Leoning. Sa kanyang pagkakahimlay, ang maliwanag na sikat ng buwan ay waring nagtatanod sa kanya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap