United States or Mayotte ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nguni't kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? Katulad ko Leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan. Datapwa't ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si Eduardo ay muling nangusap. Leoning, kailan pa?

Unti-unti na ngang nakita ni Eduardo ang malaking ipinag bago ni Leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan. Ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay Leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan.

Maluha ka rin kaya Leoning, maluha ka rin kaya kung ako'y tinanghal na bangkay? Leoning, maluha ka rin kaya? Eduardo, hindi ako ang maluluha, kundi ang paralumang noo'y sumaklolo sa iyo. Nguni't kulang palad nga ako at walang paraluman noong lumapit man lamang sa akin ... Wala akong tinatawag sa sarili kundi: Leoning! Leoning!

Binatang may pagasang magiging maligaya sa harap ng isang Leoning. Datapua't ngayon, ngayon, oh! sa aba mo ay tila isang maitim na ulap lamang ang lahat. Pangarap lamang ang lahat! Binatang sinikap ang mga lalong ikadadakila ng kanyang sarili at sa gayong paghahanda ay para sa kanyang kadakilaan at ng kanyang irog.

Datapwa't nang araw na iyon ay malabis ang kanyang pagtataka sa kilos na ipinakita sa kanya ni Leoning. Ang asawang si Leonora ay bihis ng magara at naglagay ng lalong mababangong "perfume" na taglay sa katawang mapangakit. Kaya sa pagkapansing yaon ng kulangpalad na asawang si Daniel, ay waring natawagang lubos ang kanyang kalooban sa mga kilos na nakita sa asawang si Leonora.

Ayon kay Leoning ay tahanan ng dadalawing kaibigang dalagang si Fely! Kaya sa pagpasok na iyon ng pintuan ni Daniel ay waring natawagan agad ang kanyang pansin na doon ay walang tumitirang dalaga. Hindi rin naman kaila sa kanya ang mga pook na iyon at madalas din niyang mapagaabot. Kaya nabuo sa kanyang paghahaka na sadyang may ibig sabihin ang ginagawang yaon sa kanya ng asawa.

Ano kaya ngayon si Leoning? Naaalaala rin kaya niya ako paris ng ginagawa kong pagaalaala sa kanya? ang madalas nasa pagiisa'y naitatanong ni Eduardo sa sarili. Oh! ang puso nga namang nalalayo sa sinisinta! Para kay Eduardo ay lalo't lalong nananariwa ang pagkasabik na kanyang makita si Leoning. Kaya't madalas niyang masabi sa sarili: Huwag nawang maglalaho ang kanyang sumpa!

Sa pakiwari niya ay walang kasing halaga, walang kasing uri, nasa tampok siya ng gintong tagumpay at pagkadakila, dangal ng kanyang sarili at kapurihan sa harap ng sino mang tao. At, ngayon sa harap ni Leoning ay siya'y isang bayani.

Leoning, salamat at ako ay hindi sadyang kulang palad pa at kung nagkataon sana ay hindi na ako si Eduardo ngayon. At ano ang nangyari sa iyo Eduardo? Leoning, napapasalamat ako sapagka't ako ay naaalaala mo marahil nang panahong yaon.

Sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. Eduardo ko! At hindi na natugon ang tawag na ito ni Leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. At ganap na naghari ang katahimikan. Sa bisig ni Eduardo ay waring naghehele si Leoning, nangangarap, nalulugod ang puso.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap