United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga masaquit ang tayin~ga, ay mabuti patacan nang gata nang lasona, na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata nang calabasa.

Magaling namang sumpitin. Cun baga yaong bilin sa número 8 ay uala, ang gagauin ay gayon: Bumayo ca nang isang lasona ó dalaua caya sa isang babay-ang hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus-an nang mainit na suca, bago salain, at pigain sa sinamay ó lienzo; pagca yari na yao,i, samahan mo nang isang gayon ding pulot, at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga isang cuchara carami touing calahating oras.

Ang dalauang babaguing tubig at ang isang bahaguing vinagre de litargirio na bibilhin sa botica. Ang isang dacot nang talbos nang alagao, ay samahan mo nang lasona, bago lutuin at ipacain sa maysaquit cun gab-i. Ito,i, gagauing ilang arao. Ito,i, turo ni P. Santa María. Datapoua mayroong maysaquit na hindi napupurga noon.

Ito,i, hindi sucat gamitin at masama. Ang ugat noong isang bagay na bacong ay catulad nang lasona na may maraming balat na susong-suson. Ito ang magaling gamitin. Bagaybagay ang man~ga tapal na nacacabauas nang pagsaquit nang man~ga casangcapan nang catauan nang tauo. Alin man sa isusunod cong sasabihin dito n~gayon ay magagamit nang mangagamot, sapagca isa rin ang cabagsican nang lahat.