United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan n~g píral sa tain~ga, samantalang dinadaklot ni Giday ang pin~gol n~g tain~ga ni Kadiliman sinabayan n~g salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghin~ n~g contribución, sa kanyang m~ga kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang n~galang n~g Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday n~g sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatan~gay na lagî sa gaya n~g iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután n~g gaya mong taksil, kaya't isaulî mo n~gayon din ang m~ga nai-ambag ko; n~g kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal n~g ubo't nan~gin~ginig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit n~g masarap na pagkain, at siyang dahil n~g ikinabulagta n~g ating Kadiliman.

N~g hin~gan n~g liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga. Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó n~g Hiniebra at sa kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni Giday: Lintik! Lintik!