United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napakatagal nang ikaw'y natatago sa pitak n~g aking lumuluhang puso, ang iyong larawa'y talang walang labo at siyang handugan n~g aking pagsuyo. Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay ang kabuhayan kong walang kasayahan, kung masasamid ka'y iyo nang asahan na ikaw ang aking laging gunamgunam.
Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi, timbulan n~g puso n~g naruruhagi, panilo sa m~ga tapat na lalaki, pag-asa n~g palad na di mapuputi. Huwag mong isiping ako'y magsasawa sa ating suyuang busog sa biyaya, ang iyong larawa'y laging na sa diwa't ang iyong pan~galan ay aking dambana. Aking natunghayan sa padalang sulat ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap. Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!
Salita Ng Araw