United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang maysaquit ay magaling-galing na, sapagca mayroong oras na siya,i, hinihibasan na nang lagnat, agad-agad ay paiinumin doon sa oras na yaon nang bilin sa número 14, timbang cahati ó isang salapi; quinabucasan ay babacayan din ang oras nang pagca uala nang lagnat, at capapaiinumin pa noon ding bilin sa número 14.

Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2; at touing icatlong arao pupurgahin nang bilin sa número 47. Datapoua cun yaong saquit ay sungmusunod sa lagnat na pan~giqui, ó sa ibang saquit na malaqui, ang may cataua,i, pupurgahin nang malimit nang bilin sa número 47, at paiinumin nang sa número 3.

Cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailan~gan. Itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala.

Cun minsan itong lagnat na sucab sungmasama sa bulutong, sa tigdas, pati sa ibang man~ga saquit; cun gayo,i, pan~ganib na buhay nang maysaquit. Ang saquit na pan~giqui, na nagmamacalauang arao na pinan~gan~galan nang castilang tercianas; at ang nagmamacaitlong arao na pinan~gan~ganlan nang castilang cuartanas.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap