United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naguing casagutan tanang mangagamot. na nagsidatin~gan sa madaling utos. hinin~ga anila'y, pumanao nang lubos at lasong mabagsic ang biglang lumagot, Uica sa saring: "pagsisi at hirap" Julieta,y sa Conde dito na natupad, at saca "ang luhang sa mata'y lagaslas n~g ama at inang" sa nasa'y nalinsad;
Caya si Romeo'y m~ga uicang sagot malubay at acma't sa puso ay hugot; n~gunit sa paalam sumagui ring lungcot ang jardin n~g sinta tinumpa't pinasoc. Bintana'y pagpanhic sing-sinta'y nag-yacap casabay n~g luhang sa mata'y lagaslas, napupot ang sulit, halos man~gauasac ang capoua dib-bib sa lumbay naglapat.
Nagtangapang lúha na mata'y lagaslas at naghiualay ring lúha ang pumatac, sa bintanang sacsing umid n~g pagliyag, na cauan~gis bubog sa linao at quislap. Romeo'y tuluy na't calag-cad na pilit n~g parusang lacas sa da