United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang butong nabali ay hinuhusay, at ipina-aanyo nang isang marunong humipo at tinutouid na magaling. Saca doroonan n~g dalauang caputol na balat na cordobán man, ang isa sa ilalim at yaong isa sa ibabao, na ibinababad muna sa tubig nang lumambot, bago talian nang labingdalaua ó labing-ualong panaling maicli, na paraparang may caniya nang buhol.
Ang man~ga bata,i, maigui pambohan pag nacalalo na ang labingdalaua, ó labinlimang arao nang pan~gan~ganac sa canila. Ang ipapambo roo,i, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman. Itong gauang ito,i, magaling gauin arao-arao, sa panahon man nang tag-guinao ó tag-sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan nang bata.