United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi mandin n~g lintik na sinagupa ang kamay na mamamátay at mahigpit na hinawakan. Nagpan~gagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma.
At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang binantayan. At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na rin n~g ibang pulés na gumibik.