United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Sa paggugol n~g m~ga pinunong bayan sa m~ga pananalapi, sakaling ilaan sa m~ga walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang namamayan? Bakit hindi. N~g matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad sa sédula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa m~ga lisensiya munisipal, sa kinikita n~g pamilihang bayan ibp., ay diyan kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral n~g ating m~ga bata, n~g ginuguol sa m~ga pagpapagawa n~g m~ga lansan~gan ó daan at tulay, n~g m~ga "kanal" n~g pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat n~g m~ga kawani n~g pamahalaan, sa m~ga hukom, konstabularya, pulisya at sa lahat na n~g punong bayang iyong inihalal at sampu pa n~g Gubernador Heneral at m~ga inatasan niya ó ninombrahan. Kaya ikaw bayan, ay matuto kang magpahiwatig