United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ng ang babaing iyan ay mapaiyak sa kabutihan, ng kanyang minahal at kinahabagan, ay nakita ko sa kanya ang larawan ng Diyos at aking napag-unawa ang bumubuhay sa tao . Aking napag-unawa na naipahayag sa aking ng Diyos ang huling salita at iginawad sa akin ang kapatawaran at siyang ikatlo kong pagkangiti.

Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa iyo kung yao'y pag-ibig na.

¿Hindi mo na naaalaala? Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo: Noo'y musmos pa tayo. Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay; bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating puso; nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig.

¡Ay amang ama kong nagpalâ sa akin amáng nag alaga n~g kay inang lihim ka na naawang iwan sa hilahil akong abang bugtong sa sintang pananím! ¿Saan magpupuló't kan~ginong pagtanáw pipitas n~g bun~ga n~g iyong palayaw? wala na banta ko't hangang kamatayan ang pagpapalâ mo'y di na maduduláng.

Ikaw din ang kusang lubos sumiphayo sa niluhog luhog n~g aba kong puso; at dina na awang mag gawad maglagda n~g hatol na imbi na siyang papatáy sa abang kumasi't walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'y lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro.

Nguni't ngayong naalaman mo na, ay ayokong siya'y kakaharapin mo at pagparito uli ay sasabihin kong huwag na siyang magpaparito sa ating bahay, naaalaman mo? -Opo. Si Aleng Juana'y isang babaeng may mabuting puso at mainam na makipagkapwa tao, datapwa't totoong napakabanal at ito ang tanging maipipintas sa kanya.

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá.

Ibig kong ibalita sa iyo, Elsa, anya, na sa m~ga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan n~g "Club Filipino", at gaya n~g pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. Gayon ma'y wala ako sa sayawang iyon at n~gayo'y nasa piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa Pandakan.

Ganito ang siyang kutóg niyaring loob hindí pan~gun~guna n~g dunong sa Dios Marcela'y hin~gi kong bigyan mo n~g sagót kun ang palagay ko'y hindi náaayos. Dalmacia ay tama ang iyong palagay aywang sa lalong pantas na magnilay na itutulot yaóng Kalayaan sa kulang n~g wasto't walang kahusayan. N~guni ¿ano bagang iyong napapansin at magulong bayan ang ipinagturing?

Ang hinanakit mo, sumbat at paglait ay pawang nakintal sa dila ko't isip, at ang ating lihim sa silong n~g lan~git ay siyang sa aki'y nakakaligalig. Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin nang upang ihayag ang buo kong lihim, lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil sa napakabatang puso mo't paggiliw.