United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Madalás na siyá'y natitigagal at anaki'y nakalilimot samantalang nagmimisa; hindi na lubháng nakikipagsalitaan sa amin, at kitangkita ang canyang pagyayat at ang canyáng pagcawaláng catiwasayan n~g loob," ang sabihan n~g m~ga nagcucumpisal sa canyá. Namamasid n~g "cocinerong" siya'y namamayat n~g namamayat, at dumaraing n~g dî pagpapaunlac sa canyáng m~ga inilulutong pagcain.
Walang malamang gawin ang kahabaghabag na si Daniel! Walang malamang gawin upang makapaghiganti sa ginawang pagsusukab na iyon ng kanyang asawa na kitangkita ng kanyang dalawang mga mata. Oh! kung gumawa nga naman siya ng gulo! Kung gumawa siya ng gulo ay walang salang mabubunyag ang kasamaan at kabulukang dapat na malihim sa mata ng mga lipunan at ng kapisanan.