United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga kababatang kalapit-bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay sinimulan ang laro. Ngayo'y patintero, mamaya'y takip-silim at bala nang maisip. Ako'y nanaog upang makihalo sa inyo; nguni't nang naroon na ako't hanapin, kita, ay wala ka.

Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa.

Magpatakbo ka na po kahit hindi ako kaankás at pamumuntután kitá ang wika ni Patíng n~g maiabót sa isang kasama ang kaniyang dalá. Kung gayo'y halina anang binata at pinatakbó ang sinasakyang kabayo na wari'y hindi nagiindáng kapagalan sa bigát na dalá.

¿Gaya kayâ n~g pagmamahál ko sa iyó? Higít pa; makálilibo pang mahigít. Iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g bulág sa araw, iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g isdâ sa tubig, iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g banál sa Dios. ¿Nasísiyahán ka ? Pati, Pati ko. ¿tunay ang iyóng sinabi?

Adios Dalmacia't kung walang hilahil inaantay kita sa araw mong taning at ang taguri ko'y huag lilimutin ang pagmamahalan magpahangang libing. Ang pag babalik ni Dalmacia =Ikaapat na pankat= Narito na ako kapatid na irog ¿anong buhay ninyo kagabing pagtulog? nagdaang payapa na awa ng Dios ¿kayo nama'y ano? Wala ring sigalót.

Eduardo hwag mong pahirapan ang aking puso, mahal kita sa lahat. Leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng ito? Wala Eduardo, hindi nagbabago ako sa iyo, datapwa nga lamang ... at di naituloy ang sasabihin. Na ano Leoning? Eduardo, iniibig kita at tanging ikaw lamang datapwa't hindi yata kita palad.

Alalaong baga: ¿magkapatid o magkaibigan? ¿magkaibigan o magsinggiliw, ¿magsinggiliw o magkaaway? ¡Magkaaway!... ¡Diyan ka natalo! ¿Ikaw: ano ang hula mo? ¿Ang hula ko? Ang hula ko'y ... itinuturing nilang tayo ay dalawang pusong iisa ang tibukin.... ¡Tirso!... ¿At ano? ¿Hindi? Makikita mo't iiwan kita, kapag ganyan pagkapilyopilyo mo.... ¿Iiwan mo ako? ¿At kanino ka sasama? ¡Salbahe!

Mahal kita kahit ako ay may asawa. Leoning, huwag mo nang gambalain ako, hala, layuan mo na ako. May asawa ka nga pala. Eduardo! na biglang niyakap si Eduardo ni Leoning at pinaghahagkan ang namumutlang pisngi ng binata, hinagkan sa labi.... Leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng iyan? Eduardo, mahal kita. Leoning, bitiwan mo na ako, iwanan mo na ako, utang na loob.

At sa pangungusap na iyon ni Leoning na narinig ni Eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni Leoning...? Hindi raw palad.... Ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. Wala halos naibigkag si Eduardo kundi: ¡Ay! Leoning!

At, matapos mapagusapan nilang dalawa ang lahat at lahat, lalo na sa kabutihan ng paninirahan sa siudad ay siyang nagbigay daan kung kaya't sa madali ring panahon ay iniwan namin ang sarili. Kaya kita tinanong ng ganito ay lubos at gayon na lamang ang pagtataka ko sa inyong pagkaparito. Magtataka ka nga marahil nguni't maliwanag na ngayon sa iyo ang lahat.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap