United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !
Panakíp sa bibig kung may simpang hiya sa kinákaharáp, isáng kagamitáng kung walang tiwala'y pangbalot n~g sulat, at páunang saksing minsang lumilikha n~g lúbusang galák, na mandi'y nánabi n~g masuyong wikang tugon sa pan~garap: Sa inyong ibiga'y ang unang magdaya'y pan~gan~ganlang sukáb .
Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya maturol kung sa kaninong anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni Teang, at sa m~ga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni Elsang naglalahad n~g walang pagtutumpik sa tanang pithaya n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... At ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag n~g mataas na pagtin~gin, ay isang tunay na paghin~gi't paghihintay n~g kanyang magagawa, n~g sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at itinatan~gi sa buhay ... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni Teang? ¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas n~g dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? ¿Saang panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?...
Oo n~ga Marcela't yaon ang matuid han~gang nabubuhay sa silong n~g lan~git, ang tawo'y piliting dumunong ang isip sa kapanahuna'y nang hindí maguipít. Mag-aral n~g m~ga wastong pan~gun~gusap na makakalugdan n~g kinakaharap at yaon ay isang karan~galang sangkap n~g tao kahima't nagmula sa hamak.
Salita Ng Araw