United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga kasama.
Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman, madaling ipinakli n~g manggagamot. Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat n~g manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil sa ambulanciang nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di makapagtatagal pa.
Salita Ng Araw