United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumakáy ná akó sa aking kabayo at ipinag-utos kong lumakad ná agád ang aking m~ga kawal at n~g lilisanin ka ná si Liwayway ay inyabót ko ang aking kamáy at isinalubóng anamán niyá sa akin ang kanyáng maririkít na dalirì. Di na kó nakapigil at pagdaka'y pinan~gahasan kong hinagkán ang magandá niyáng kamáy at sakâ ko sinabi n~g ako'y humihikbî: Paalám ná, ¡búhay ko! Kinaí-inggitán kong túnay ang mapalad na lalaking magkákamit sa nápakamahalagá at dakil