United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itinatatag ang isáng escuela; ang escuela'y siyang patuunan n~g pamamayan, ¡ang escuela'y siyáng aclat na kinatatalaan n~g icagagaling n~g m~ga bayan sa panahóng sasapit! Ipakita ninyo sa amin ang escuela n~g isáng bayan at sasabihin namin sa inyó cung anó ang bayang iyan."
N~g matapos mabasa ang gayong pagsasanggalang, walâ sino mang umimíc; ipinakilala sa caniláng calamigang hindî nilá naibigan ang macatwirang pananalita ni teniente Taviel de Andrade. Tinanóng si Rizal cung mayroon siyang ibig sabihin, at ang guinawâ nito'y ibinigay ang isáng casulatang kinatatalaan n~g m~ga pan~gan~gatuwiran niya at pagsasanggalang sa canyang sariling catawán.