United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang kinabukasan ay nakita sa buntón n~g abó ang katawáng tupók n~g mayamang kapitán. Nang kinabukasang iyón ay dapat sanang siya'y sumásaligaya, kung matatawag na kaligayahan din ang magpasasa sa kagandahan n~g isang babaying napilit lamang. ¡Kay daling humalay n~g kapalaran at kay daling magbago n~g kulay n~g isang pag-asa! N~guni't ¿saan napatun~go si Benita? Itó ang alamín natin.
Noon din ay pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid, at ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon n~g pinaglagyan, kaya naman sa takot n~g dalawang pinagutusan n~g kapitan, ay nagpahayag n~g daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang n~g bangkay ni Tandang Tacio hangang kalan~gitan.