United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanyá; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihán kawangki n~g tinatawag nating NALILIPA.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol.
Salita Ng Araw