United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lahat na Katungculan sa bayan cahit ano ang quinauuculan ay babayaran n~g catamtaman, liban na lamang ang man~ga nasasabing ualang bayad sa man~ga cautusan, at di matatalagahan n~g ano mang upa ang man~gahiualay sa Katungculang ito.

Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang katungculan.

Ang m~ga cahalili, Hocom at iba pang may katungculang nacacapit sa san~gang itó ay mananagot na isa-isá sa man~ga gauang pagcuculang sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahablá tungcol sa pagpapasuhol at masamang pag gamit n~g katungculan.

Ualang maguiguing dahil n~g pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang man~ga tan~ging paglilingcod na gauin n~g may Katungculan, cun yao'y mapatotohanan at marapatin n~g Tanun~gan. Upang macalipat mulá sa mababa tun~go sa mataas na hagdan ay cailan~gan ding magdaan sa sungcaran.

Ang Tanun~gan ay magpapalit n~g m~ga Apo bauat apat na taon gaya n~g Kapisanan; n~guni't palaguing bucás. Sa Presupuesto n~g calahatan ay maglalaan nang pang upa sa Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap n~g ano mang upa, n~guni't hindi magbabayad n~g ano mang ambagan habang humahauac nang Katungculan.