United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng kanyang pag-ibig, na kahì ma't alam niyáng siyá'y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma't alam niyang siya'y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng tánging bulaklák ng kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng isáng pusòng bayáni ng isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng pinaglagakán ng boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng kanyáng matá, paraluman ng mga pangarap, at dangál ng kanyáng pagka-iná.
Salita Ng Araw