United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magsalita ka, hindi ka ba naliligayahan? Eduardo ko sukat ng lahat ang iyong sinabi nguni't.... Nguni't nais mo kaya ang kaligayahan ng aking puso. Hindi. Hindi pala Leoning. Kaya sa bisig ko ay bayaan mo ng awitin ko ang katamisan idinudulot ng pagibig. Bayaan mong sa bisig ko ay magduyan ka at sa kandungan mo naman ay maging akong maligaya.

Nilimot mo ang dating sumpa sa unang inibig sapagka't nasilaw ka sa salapi, datapwa't ang kasariwaan mong uhaw sa hamog ng pagibig, nang hindi makasagap ng katamisan ng buhay ay pamuli kang nagbalik sa dati mong kandungan ng kung ano anong kadahilanan ang iyong sinasabi upang ikaw ay magkaroon ng kaligayahan sa buhay.

Alamin mo Leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso ... Oo, Leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi ... Oo, Leoning.

Ang pagibig ay isang bagay na hindi nararapat paglaruan; kung ang pagibig ay isang laruan ay walang katamisan sa puso. Na, ang kahabaghabag na iyong naging kaisangpalad ay ngayon ay nalibing na.

Nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak. Datapwa't kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag-ibig.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap