United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa hating gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabás pumasok sa dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag sa init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharáp; datapwa't ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g isang mambisa at pantalong kulay abó, salakót na may palamuting gintô at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw , dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle .
Salita Ng Araw