United States or North Macedonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maraming m~ga halaman n~ga ang tumutubo sa lupa n~gunit di dahil sa lupa lamang kung kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at tubig ay di rin sila man~gabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat n~g itó, gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios at kung wala nito ay walang anoman, sapagkat siya ang lumik-ha n~g lahat n~g bagay.
Dahan dahan ka po ginoong Kalihim ang sagot naman n~g Pan~galawang-Pan~gulo n~g Samahan at ipagpatawad po ninyong sabihin ko na kayo'y nabibigla lamang n~g m~ga pan~gan~gatwiran, sapagka't ang Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon isa na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios.