United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
May isang buwan ding araw na mahigit bago napatuloy gayak sa pagalis dahil sa kasamang magsisipaghatid na man~ga maginoo at soldadong kabig. Tatlong Imperyo ay may kanikaniya na man~ga sasakya't inihatid nila tulo'y nagpasabi doon sa Kastilya yaong tatlong man~ga bantog na Monarka.
Bakit naisip pa kaya ang magbalik dito sa Kastilya nang palad kong amis yayamang ang aking kasuyuang dibdib n~gayo'y sa iba nang kandun~gan nahilig. Aanhin ko itong man~ga karan~galan na atas nang sinta kaya pinaglakbay General man akong balita nang tapang n~guni't sa pagsinta'y kusang nalupaypay.
Usap nila'y patdin at ang isalaysay ay yaong dumating na bunying General hindi makilala ang tunay na n~gala't Konde de Kastilya kung tawagin lamang. N~guni't nagpasabi yaong Haring Ama na makipagkita ang Dama't Princesa sa General na panauhin nila't ugali nang man~ga mahal na talaga.