United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Palibhasa'y naipatapon na si Rizal sa Dapitan na sa ganang m~ga kastila't fraile'y siyang pinakapuno n~g kilusan n~g m~ga "mason" at naparusahan na ang m~ga inaakalang kinaalam sa pagtutol na ginampanan n~g m~ga pinaguusig na gaya nina Doroteo Cortes, Jose Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang taganas na m~ga "mason," ang m~ga kalaban n~g kalayaan n~g bayan ay napatahimik.

Sapagka't noo'y mayayaman at mahihirap na pilipino'y paraparang inaapi at pinahihirapan n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" kung kaya't lahat ay nagtataglay n~g isang layunin: maputol lahat ang kaapihan. Nagkakaibá n~ga lamang sila sa kaparaanang ginagamit sa ikapagtatagumpay n~g kanilang layon.

Datapwa, ang una'y ibig makuha ang katubusang yaón sa loob n~g kapayapaan sa pamamamagitan n~g pagpapalaganap n~g kaniyang magagandá't makataong simulain; samantalang ang nais at han~gad n~g huli'y ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin lamang na ang m~ga naghahari noon dito sa atin ang pamahalaang Kastila't m~ga "fraile" ay hindi makuha sa samo, pakiusap at pan~gan~gatwiran, bagkús ang itinutugón sa ginawi n~g m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Regidor, Cortez at ibá't ibá pa ay ang sila'y ipalagay na "kaaway n~g España at n~g Dios," at marami sa kanilá at sa kanilang m~ga kabig ang napabilanggo, napatapon sa malalayong bayan at pinapagdusa sa m~ga bilangguan, kahima't walang nagawang kasalanan.

At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patun~go sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa m~ga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin n~g pagkakaunawaan n~g m~ga portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika. Datapua't sa m~ga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang m~ga pinakamalaganap.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap