United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya't ang kalooban ni Daniel ay waring lalong lumakas at nagkaroon ng tapang sa mahiwagang yaong pagtataksil ng asawa. Dadalawin daw ay isang kaibigan? Si Fely. Oh! kasinungalingang lahat. Anong hiwaga nga naman! Sa loob ng isang silid ay kaagad narinig ni Daniel ang tinig ng mga pangungusap ng asawa. Nakikipagusap sa kinakasuyong lalaki: kay Eduardo.
Bakit ngayon ay naglahong lahat? Hanggang libingan.... Hanggang hukay! Oh! ang mga iyan ay naglaho ng lahat! Kabulaanang lahat! Kasinungalingang lahat! Oh! ang lahat ay wala, parang bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala! Wala ng lahat, paraparang nabaon sa limot, sa ulap, sa wala.
Salita Ng Araw