United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.

Ako ay umaáyon. At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas. Kung gayon, ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo búkas n~g hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.

Inisip ni Semel na may mga bagay na di masaysay at pinagsalitaan ang kasama. Sumama ka sa aking bahay at ng mainitan ka. Nagpatuloy lumakad at sinabayan ng kasama. Humihip ng malakas ang hangin at pinaspas ang baro ni Semel. Sapagka't napawi na ang alak, ay nagdamdam ng ginaw. Nagmadaling nagbububulong at iniisip: ¡Mabuting gawa ito! Mabuting balabal ang dala ko!

¡Hindi! ang tanggi n~g makata. Nagbibiro lamang itong si Elsa. ¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung sino ang kasama n~g maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon n~g "La Perla"? ¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia? ¡Wala pong iba! ¡Aha!... At ang lalaki ay manawanawang pumakli: Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito....

Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan.

22. =At ano pa ang kanilang ginawa?= Itinatag na rin ang Tatlong Baytang n~g "Katipunan". Naitó: "Katipunan" ang pamagat n~g unang baytang. Kung nasa pulong ang m~ga kasama sa baytang na itó, ay gumagamit n~g isáng kaputsang itim na may isáng triángulo na kinalalagyan n~g m~ga titik na "Z," "Ll" at "B," na ang kahulugan ay "Anak n~g Bayan." Sila'y may m~ga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan.

Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan. At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g paglilitis.

Kayo po ang bahala ... ang naitugón na lamang ni Pablo, pagkatapos n~g pagsasalita n~g babai. Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y mailigtas sa paghihikahós ang naisagót naman ni Gervasio. Salamat sa inyong nasa, m~ga kasama: ang tugon ni Mauro.

Oh, ang hiwaga ng Pag-ibig!... Kaya ang ginawa ni Carmen ay lumiham ng maiksi para kay mang Pepe at iniwanan sa ibahaw ng mesa. Nagbihis siya at nanaog na dala ang kanyang mga bihisan. Saan kaya siya pupunta? Sundin kaya ang asawa na kasama ng dalawang sekreta? Oh, hindi! Hindi, hindi ang kanyang asawa ang susundin sapagka't liliham pa ba siya sa asawang Pepe kung doon din lamang susunod?

Tayo'y lumulan sa bangka; n~guni't hindi ang pangpang ang ating tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'y nalalapit na sa baklaran ay nanginig ka; buhat sa ulo hanggang paa , sa takot mong baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong nalalaman. Ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo. Ang sabay halos na sigawan ng ating mga kasama.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap