United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling inilantad ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, n~guni't noon di'y waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't ang m~ga ito ay mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing: ¿At ikaw ba ay napuwing?