United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !


Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila.

"Ha! maginoong Florante! At sino kayo na aking susukuan?" "Walang maraming salitâ! Sasáma ka sa hukúman ó hindî?" "At sino kayó na aking sásamahan?" "Mga kapantay mo, na ngayo'y may karapatáng makapangyári sa iyó!... Sasáma ka ó hindî?" "Baka ikaw ay nahihílo!" "Sumagót ka ng tapát, sasáma ka ó hindî?" "Híndî!!" "Ulol! Ibig mo pang ikaw ay gamítan ng lakás?"

Ayon sa kautusán, ang presidente municipal ng isang bayan ay siyang mákakahalíli ng mga hukóm kapág ang mga ito'y walang kaya ó karapatáng lumitis sa isang usapíng "criminál". Sapagka nga't ito ang ipinaguútos, ang mga magsasakdal noon di'y nagsitungo sa báhay-pamunúan upang dumulóg sa haráp ng presidente. SI KÁPITANG MEM

Karapatan natin sa haráp n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na pinupuhunan natin ay tumbasán n~g sapát na kaupahán; at ang karapatang itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót n~g kaya ... sukdang ikamatay.

Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya si Elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay.

Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan n~g úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan.

Sa ika 6, martes, n~g buan n~g Hunyo n~g taong ito ay manunuparan na naman tayo n~g isang karapatang hindi gawa n~g isa ó ilang katao, kundi nating lahat at lahat n~g ating yumaong bayani sa nagdaang himagsikan, at kaunaunahan ang ating si Gat Dr Rizal.