United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautan~gan ang kaláhati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay n~g isang pan~gulo ó maginoo n~g walang kapahintulutan ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik n~g ibang pan~gulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad n~g isang gayong timbang na ginto.

Ang damit, n~g m~ga lalaki ay bahag lamang sa m~ga balakang at ang sa m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy. Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito.

Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang m~ga taga Peru ay nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan n~g gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap