United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw. Sinabi ni Semel: Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit.
Dinaluhan ng mga tao, inayos ang bangkay, isinilid sa kabaong at ibinaon sa lupa. Ang mga kapitbahay ay mabubuting tao, nguni't ang mga sanggol ay naulila at walang mag-andukha. Ako nga ang tanging nag-alaga sa kanila; nagpapasuso ako ng aking panganay at ipinakisuso ko sila.
Walâng humpáy nang kayayao't dito. Nakayayaníg sa boóng báhay ang madadalás niyáng yabág na ipinagdidiínan sa sahíg na tablá. Ang mga lagutók ng kanyáng mga abellanang sapátos na nanggigipalpál sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mga nagtutulúgang kápitbahay hanggáng sa mga manók na namamahingá sa isáng púnong kamatsiléng nakatánod sa trangkahan.