United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Nasaan ang dahás n~g haring pag-ibig na sinasabi mo guiliw kong kapatid? ang kapangyariha'y bakit dí magamit na ang sumasamong pagsinta'y ipilit. Asal n~g pag-ibig ang sumamosamò at sa sinisinta'y maghandóg n~g suyò tuíng máhaharáp sa lan~git n~g puso'y nagpapakilala n~g pamimintuhò.
Sa carrosa ay biglang umibís at sa maralitang bahay ay pumanhík ang kapangyariha'y hindí na nagamit ang puso'y nabaghán sa himalang dikít. Ang mahal na hari tumanong pagdaka. ito baga'y anak ninyong mag-asawa? sagot n~g tinanong dakilang Monarka iyan po'y pulut ko lamang sa aplaya.