United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang hinanakitang yao'y isinaysay ni Bonifacio na rin sa dalawa niyang sulat kay Emilio Jacinto, na ginawa sa Naik ukol sa ika 16 n~g Abril ang isá at ang isá nama'y ukol sa ika 24 n~g buan ding ito n~g taong 1897 na yari sa Limbon. Anopa't sa ikalawang sulat ay sinasabing siya'y mayhinala na sina Aguinaldo at ang m~ga kapangkat nito'y ibig "isuko ang buong Revolucion."
May m~ga ibá pang balita ukol sa nangyaring iyan kay Bonifacio. Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang m~ga pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganitó: Na, siná Bonifacio at m~ga kapatid ay hindi kaayon nina Aguinaldo at m~ga kapangkat nitó at ang gayo'y pinagmulan n~g samaan n~g loob n~g isá't isá;