United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi, hindi Eduardo, sa puso ko ay di ka nalilimot, laging sariwa sa kaibuturan ng aking puso ang ngalan mo. Nguni't ako ay kulangpalad at sa kandungan mo ay di doon makapagpasasa ng kaligayahan ng puso gayon ang aking buhay na kagaya nang napapangarap ko noong una . Ay! Eduardo, sa aba ko ay talagang hindi mo nga ako palad at ikaw naman sa akin ay gayon din.

Sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang liham ng sukab at kanyang binasa na ganito ang mga natititik: PEPE: Yamang ang tibukin ng puso natin ay di rin lamang magkaisa ay ngayo'y ninais ko na ang tayo ay magkahiwalay at ako ay asahan mong sa mga sandaling ito ay nasa iba ng kandungan: doon sa makapagdudulot ng kaligayahan ng aking puso. Paalam, CARMEN.

Hindi ang puso ni Don Pepe ang makaliligaya sa kanya! Kaya sa ngayon ay walang kaligayahan si Carmen kundi ang mapasa kandungan ng kanyang kaaliwan sa puso: kay Teofilo, sa isang batangbatang kawani sa malaking samahan ng "Smith Bell & Co.," na, ang kawaning ito, na salamat at nakailag na kusa sa pagbaril ni mang Pepe.

Leoning, maanong ang isang binatang ngayon ay nasa kandungan ng pagkasawi at sinisiklot ng bagabag ay tapunan mo man kahit isang ngiti? Oo, isang ngiti man lamang. Ngitian mo man lamang sana ang palad ni Eduardo ng minsang lumuwagluwag ang nagsisikip na damdamin sa mga pasakit. Ngitian mo sana ang palad niyang tila ba na sa bingit ng hukay. Nasa bingit ng hukay!