United States or Mayotte ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa araw at bwan naman ay nan~gagsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan n~g pagsamba sa araw, na anya'y ganito: Sa pagpapasimula ay tumutugtog n~g ilang malaking tambol; saka naglalapit n~g tatlong pingan; na dalawa'y punô n~g kanin at n~g mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong kambray at dalawang hidahon n~g palma Naglalatag n~g kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may tan~gang pakakak.
Pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray na nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, sakâ isinusuot nila ang nabangit na kayo. Kung magkagayon ay nagtatali n~g panyô sa ulo ang isa sa m~ga ito na sa noo ibinubuhol na pinag sisikapan na magkaroon n~g dalawang parang sun~gay at pagkatan~gan n~g ibang panyô ay sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa araw.
Salita Ng Araw