United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Elena, si Gerardo?" ang pagdaka'y itinanóng ng makitang walâ roón ang tangi niyang kaisáng-loób. "Lumuwás siyá, upang tumáwag ng manggagámot." "Para sa akin?" "Oo." Nagbuntong-hininga ang may sakít. "Oh!" anya, "bákit kayâ at nagpapakapagod ng ganitó si Gerardo? Papaano kayâ ang dapat kong gawín úpang makagantí sa kanyá?" "Florante, malakí ang útang ng loób ni Gerardo sa iyó.