United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan n~g lalong m~ga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan, n~guni't waring isinusurot sa kanya n~g isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong m~ga mahahayap na pula n~g marami. ¡Oh, ang larawan n~g isang nilalasog n~g dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos n~g m~ga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay m~ga patak n~g luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini.