United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa luwal na laa'y nang dumating sila tumigil at sila'y nagpaembahada sa man~ga Musulmang lumabas pagdaka at pasisimulan ang pagbabatalya. Di lubhang nalaon nama'y napaluwal at ginanap nan~ga yaong paglalaban at namook namang leon ang kabagay itong si Honradong bayaning General.
Puso'y tumigil na niyong paghalinghing yamang walang daang magtamo pang aliw nauli sa dating batong nagnininghing na gaya nang unang ligaya sa tin~gin. Kaya nararapat na pakain~gatan nang man~ga lalaki't maging babae man tungkol sa pagsinta'y kinakailan~gan na kung lalapit ma'y doon sa kabagay.
Sa hidwang tan~ging man~ga kaisipan niyong sumisinta sa hindi kabagay nagugugol lamang yaong kapagalan at nalulugso pa kung minsan ang buhay. Dapat pagaralang anomang gagawin kinakailan~gang pagbagaybagayin nang di ikahiya sa matang titin~gin at kahi't sino ma'y nang walang wikain.