United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capagca bata na ay itong si Fabio hanap búhay niya ay pag jujuego, nang magca asaua,i, siya ring oficio na pinagcucunan canilang sustento. Maguing ilang taón yaong pag sasama matrimoniong mahal nag supling namun~ga, nang isang lalaquing quias ay maganda naguing n~gala,i, Juan nang mabinyagan na.
Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co caya cun umoui ay nag mamacatlo, hanap búhay niya na pag jujuego sinasamá siya at palaguing talo. Siya ma,i, narating sa canilang bahay cun minsan ay di na naoosisa man, ang anác na bugtóng na sa puso,i, mahal loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.