United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nag-uica nang ganitó ang matandang ermitaño, sino bagáng quinunan mo mahalagáng barong itó. Sagót ni don Jua't, badyá nuno po ay maquinig ca, sa aquin ang may padalá ermitañong matanda na. Ang sagót nang ermitaño don Juan ay sabihin mo, ang sadyá mo ay cun anó nang iyong pagcaparito. Isinagót ni don Juan ganito po ay paquingán ang sadyá co po at pacay ang reino nang de los Cristal.

Limang buang hustó bagá yaóng pag-lalacád niya, siya namang pagdating na sa mariquit na ermita. Doo'i, caniyang dinatnan isang ermitañong mahal, balbás ay hangang sa bay-uang nacatatacot cun tingnán. Anang matanda'i, ganitó umalis ca manunucsó, mahaba nang taón aco ualang sumasapit dito. Sagót ni don Jua't, uica nuno'i, huag cang mamangha, aco'i, inutusang cusa isang mahal na matandá.

May galit man ang loob co sa damit cong quinuha mo, napaui ngayong totoo dahil diyan sa anyó mo. Nguni't, aco'i, tabi naman sa iyo príncipeng mahal, alin bagang caharian ang iyong pinangalingan. Sagót ni don Jua't, badyá ó bulaclac nang sampaga, ang pinagmulan cong sadyá ang reino po nang Berbania. Naparito at naglacbáy sa iyo pong caharian, bulá ang aquing sinac-yán sa guitna nang caragatan.

Sagót ni don Jua't, badyá huag cang mag-ala-ala, aco'i, ualang ibang sintá hindi malilimutan ca. Lumacad na si don Juan pumasoc sa caharian, at nagtulóy capagcuan sa hari niyang magulang. Nang siya ay dumating na sa harap nang haring amá, caguluha'i, sabihin pa nang consejerong lahat na. Sa malaquing caingayan sa loob nang caharian, ito'i, agád napaquingan ni Leonorang timtiman.

Sagót ni don Jua't, tugón ó hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon Dios nang magandang hapon. Ang sagót nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo't, iyong turan ang sadyá mo't, pinag-lacbay. Ani don Juan at badyá ó daraquilang monarca, ang sadyá co pong talagá hinguil sa pangangasaua.