United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ó magandang uliran nang cabanalan malualhating San Josef, na dahilan sa pagtirá nang Niño Jesus sa Jerusalen bagaman hindi mo namalayan, at hindi mo casalanan ang nangyaring iyon, icao ay lubhang nalumbay sa tatlong arao na siya ay hinanap mo, at na lubos naman ang iyong ligaya, niyong siya ay maquita mo sa templo sa guitna nang man~ga doctores, na naquiquinig, at nagtataca sa cabataan, at carunun~gan niya.

Ang devoción sa daquilang Patriarca San Josef, ay tumutubó at sumusulong na para nang devoción sa malualhating Virgen María. Natalastas nang man~ga tapat na loob na anac ni María, na itong mahal na Ina ay nalulugod sa man~ga tan~ging galang at puri sa calinis-linisang Esposo niya.

Matatapus ang buan nang Mayo nang taóng 1863, niyong mulan ang devocion, at sa auá nang Dios, at sa tulong at pamamaguitan nang malualhating San Josef, ay naraos at nayarí ang matrimonio sa buan nang Agosto: at ang amang lumalaban at silang lahat, ay paraparang natuâ, at napasalamat cay Jesus, Maria, y Josef.

Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef. Pagninilay sa icaapat na Domingo.

Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, ó pinadadalhan cayâ nang man~ga hirap at parusa: at sa bagay na ito ay parating inaalaala sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni Jesús, María, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cayâ ang man~ga tapat na loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang pitong sáquit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa uicang castilá ay Siete Domingos .

Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubhâ ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasamâ ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dugô, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya.

Lumabas sa silid si parì Salvíng namumutla't nan~gin~gilis ang m~ga labi. Sino mang macapanood n~g canyang noong nagdidilim at pigta n~g pawis, mawiwicang siya ang nagcumpisal cay Maria Clara at hindi n~ga narapat magcamit n~g capatawaran. ¡Jesús, Maria, Josef! ang sinabi n~g tía na nagcucruz; ¿sino ang macatataroc sa calooban n~g m~ga kinabataan n~gayon?

Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanasâ.

Binalot ni María ang catamistamisang Anac niya, na nahihigâ sa caonting diaming malamig, quinalong at niyacap nang manin~gas na sinta, at iguinauad sa calinislinisang Esposo niyang si Josef, at si Josef ay lumuhod na nagpacababa, tinangap at quinalong, niyacap at hinagcan ang Dios na sangol, inialay sa caniya ang boong pusò at caloloua, ang buhay at lacas, at moli at moling napasalamat, sapagcat siya ay quiquilalanin, at matuturang Ama nang Anac nang Dios na nagcatauan tauo.

Sa lagay na iyon ibinalitá nang Angel ang masamáng pagcamatay nang malupit na Haring Herodes, at pinagsabihan si Josef na huag matacot, at siya ay macauuî na sa bayang pinangalin~gan.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap