United States or Estonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tingnan natin at isaloob cailan man ang pan~gin~gilag ni Jesús sa man~ga pan~ganib, cahit siya ay Dios na nacapangyayari sa lahat, nang tayo ay matutong lumayò at man~gilag sa m~ga pan~ganib nang pagcacasala. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong si Jesús ay nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang Jerusalen.

Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Niño Jesús, na ang edad ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Niño ay uala.

Ó magandang uliran nang cabanalan malualhating San Josef, na dahilan sa pagtirá nang Niño Jesus sa Jerusalen bagaman hindi mo namalayan, at hindi mo casalanan ang nangyaring iyon, icao ay lubhang nalumbay sa tatlong arao na siya ay hinanap mo, at na lubos naman ang iyong ligaya, niyong siya ay maquita mo sa templo sa guitna nang man~ga doctores, na naquiquinig, at nagtataca sa cabataan, at carunun~gan niya.

Hin~gin natin cay Jesús ang manin~gas na pag-ibig, sa pagsambit nang n~galan niya sa anomang hirap at pan~ganib, at sa man~ga tucso nang Demonio, at lalong laló sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang tayo ay magcamit nang magandang camatayan. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, sa misterio nang Purificacion ni María, niyong ihain si Jesús sa templo nang Jerusalen.