United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Muli cong sabihin yaong magcapatid anác n~g princesa na may lumbay hapis, sa jaulang bacal dudulog lalapit at quinacapulong ganito ang sambit. Ano ang dahila,t, nacuculong cayo anong casalanan sabihin po ninyo, caming anác ninyo n~gayo,i, naririto na mag dedefensa sa anomang trato.

Ang haring Don Feliz nag-utos pagdaca at si Juan Tamad ipinadaquip na, dinalá sa cárcel at piniit siya uala siyang malay cun anong causa. Nang oras ding yaon ang haring maran~gal nagpagaua agad nang jaulang bacal, at capagcayari Tamad na si Juan quinuha sa cárcel doon inilagay.

Sa jaulang bacal maisoot doon ay maraming tauo na pumaparoon, dahil sa balitang matunóg na hugong ang na sa jaula,i, nan~gibit nasan~goy. Una,i, sa balita,t, saca ang isa pa ibig mapanood tinauag na amá, balang macaquita uica,i, iyan palá ang ipacacasal cay Doña Leonila.

Yaon namang daluang anác niyang cambal palaguing paroon sa jaulang bacal, ang uica nang dalua na isinisigao amá po ay baquin cayo,i, naririyan. Tauong nan~garoo,i, lubhang nagtatacá nagtatalong lubós bait isip nila, ang hichurang iyan ang uica nang iba ma-iibig baga ni Doña Leonila.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap